Archive for October 12th, 2008

sa buhay natin…di lahat tayo ay magiging ina (ang iba ay magiging ama at ang iba naman ay di na talaga) ngunit lahat tayo ay may ina…adopted man o di…lahat tayo ay may biological mom. merong mapapalad sa ina at meron din namang di masyadong pinalad. sa pagpapala ng Ama napabilang ako (at ang aking mga kapatid) sa mga mapapalad. naaalala ko pa palaging sinasabi sa amin ni Mama noon na dahil mahirap lang kami ay ang tanging kayamanan lamang niyang maituturing sa kanyang buhay ay si Papa at kaming mga anak niya. dahil sa hirap ng buhay nila noong siya ay bata pa ay kailangan niyang magtrabaho sa edad na pito sa palengke ng monumento kasama ang kanyang ate para makatulong sa kanilang mga magulang. hanggang sa kanilang pagtanda ay di na sila nakapag-aral na mag-ate para makapag-aral ang lima pa nilang mas nakababatang kapatid kaya naman ganoon na lang ang pangarap niya para sa aming apat na anak niya na lahat ay makatapos hanggang sa kolehiyo…na siya naman naming natupad. maaaring marami sa atin ang nagsasabi ang kani-kanilang mga ina ang ‘the best’…kaya di naman kataka-taka na para sa aming magkakapatid ay si Mamu talaga ang ‘the best mom’! noong ako ay bata pa kapag tinatanong ako kung ano ang gusto ko maging paglaki ko…ang palagi kong sagot ay gusto kong maging nurse…pero for so many years now ang isinasagot ko ay gusto kong maging katulad ni Mamu…in terms ng pag-aalaga at pagmamahal sa kanyang pamilya…kahit kalahati man lamang niya ang maabot ko, payag na ako. sa buhay ko ngayon ay marami-rami na ring papuri akong natanggap ngunit sa lahat ng mga iyon tatlo lang ang talagang pinapahalagahan ko…(ang sabihin sa aking) IGLESIA NI CRISTO KA NA PALA, (ang sinabi ng apat na taon kong pamangkin na) MAMA KAREN, BAKIT ANG KULET-KULET MO? at (ang palagi kong naririnig na) ALAM MO KAMUKHA MO ANG MAMA MO! to MAMU…maraming-maraming salamat sa lahat-lahat ng pagmamahal at pag-aaruga mo sa amin, mula noon hanggang ngayon kahit kami ay matatanda na…salamat sa Ama at ikaw ang aming ina.  HAPPY BIRTHDAY MA! I LOVE YOU…WE LOVE YOU!!! ALL THE BESTS IN US WE OWE TO YOU & PAPU.

“maraming babae na mabuting asawa, ngunit sa kanila’y nakahihigit ka.”    - kawikaan 31:29

Comments No Comments »